PCG, nagpadala ng 2 barko para tulungan ang stranded na pasaherong sa Lucena

Nagpadala ang Philippine Coast Guard ng dalawang multi-role response vessels sa Lucena, Quezon upang saluhin ang mga stranded na pasahero doon.

Ginamit ng PCG ang BRP Suluan para ihatid ang 75 pasahero papuntang San Agustin, Romblon, matapos silang hindi makasakay sa regular na commercial trips.

Ang BRP Bagacay naman ay naka-standby para sa iba pang stranded.

Ayon kay Commodore Geronimo Tuvilla, ang operasyon ay isinagawa alinsunod sa maritime safety protocols, bilang bahagi ng papel ng PCG bilang maritime safety at humanitarian agency.

Bilang bahagi ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2025, iniulat ng PCG ang 266,554 outbound at 233,670 inbound na pasahero noong December 23.

Sa 16 na PCG districts, na-inspect na nila ang 2,229 na barko at 2,000 na motorbanca.

Lahat ng distrito at istasyon ng Coast Guard ay naka-alerto mula December 23 hanggang January 4.

Makipag-ugnayan lang sa PCG sa pamamagitan ng kanilang official Facebook page o hotline 0927-560-7729 para sa mga tanong at impormasyon. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *