Patuloy ang suporta ng pamahalaan sa mga mangingisdang Pilipino sa Bajo de Masinloc sa kabila ng banta ng China Coast Guard.
Sa pangunguna ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, muling isinagawa ang programang “Kadiwa para sa Bagong Bayaning Mangingisda.” Layunin nitong tulungan ang mahigit tatlumpu’t limang bangkang Pilipino na nangingisda sa West Philippine Sea.
Nagbigay ang PCG ng fuel subsidies upang mas mapahaba ang kanilang o
perasyon, habang ang MV Mamalakaya naman ang direktang bumibili ng huling isda. Target ng programa ang mahigit 35,000 litro ng gasolina at 20 toneladang isda.
Ngunit sa kabila nito, nananatiling hamon ang panghaharas ng China Coast Guard. Ayon sa ulat, siyam na barko ng China ang nagpakita ng agresibong aksyon laban sa mga mangingisda at mismong mga barko ng PCG at BFAR.
Sa kabila ng tensyon, tiniyak ng Coast Guard at BFAR na mananatiling prayoridad ang kaligtasan at kabuhayan ng mga mangingisdang Pilipino. | via Ghazi Sarip, D8TV News | Photo via PCG
#D8TVNews #D8TV
