Haharapin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga isyu at sagabal sa implementasyon ng zero balance billing system sa mga ospital ng Department of Health (DOH).
Ayon kasi sa mga ulat, nakararanas umano ang mga DOH hospital ng napakahabang pila ng mga pasyente.
Nitong Lunes ay binisita ng Pangulo ang Eastern Visayas Medical Center sa Tacloban City kasama si Health Secretary Ted Herbosa para kumustahin ang zero balance billing system sa ospital.
Tiniyak din ng Pangulo na hindi mahihirapan ang mga pasyente sa pag-a-avail ng zero balance billing.
#D8TVNews #D8TV