Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang makakalusot sa batas lalo na sa mga tiwaling opisyal sa gobyerno.
Sa gitna ng isinasagawang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI), lumalabas umano ang mga iregularidad sa mga proyekto ng flood control at iba pang imprastraktura.
Giit ng Pangulo, dapat tiyakin na matibay ang mga kasong isasampa laban sa mga sangkot dito na may sapat na ebidensiya at hindi minadali.
Babala pa niya, mas masama pa raw kung mahina ang kaso at mauuwi sa pagkatalo sa korte.
Kaya utos ni Pangulong Marcos, siguraduhing malinis, malinaw, at suportado ng ebidensiya ang lahat ng kasong ihahain upang matiyak na ang tunay na may sala lamang ang mananagot.
Sa mensahe ni Marcos, binigyang-diin niyang ang laban kontra katiwalian ay dapat isagawa sa loob ng batas dahil ang hustisyang minamadali, kadalasan, hustisyang nababaliwala. | via Ghazi Sarip
