Tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang ang 5 bagong non-resident ambassadors, nitong Martes, November 25.
Ipinagkaloob sa Punong Ehekutibo ang letter of credence ng mga diplomats na sina:
– His Excellency Mohamed Trabelsi, Ambassador of the Republic of Tunisia
– His Excellency Miguel Angel Ubaldino Romero Alvarez, Ambassador of the Republic of Paraguay
– Her Excellency Bibata Nebie/Ouedraogo, Ambassador of Burkina Faso
– Her Excellency Anjanette Kattil, Ambassador of the Republic of the Marshall Islands
– Her Excellency Ivana Golubović-Duboka, Ambassador of the Republic of Serbia
Ang seremonyang ito ay simbolo ng pagsisimula ng kanilang diplomatic tenure bilang ambassador ng kani-kaniyang bansa sa Pilipinas.
Naitatag anng diplomatic relations sa Tunisia noong 1975, sa Paraguay noong 1962, Sa Burkina Faso noonh 2002, Marshall Islands noong 1988, at Serbia naman noong 1972.
Tiniyak naman ng mga naturang non-resident ambassadors ang mas malakas na bilateral relations at international cooperation.
