PBBM, target tapusin ang Metro Manila Subway sa huling taon ng kanyang termino

Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makukumpleto na ang konstruksyon ng isinasagawang Metro Manila Subway bago matapos ang kanyang termino sa 2028.


Sa isinagawang inspeksyon kahapon, July 16, sa Camp Aguinaldo Station, kumpiyansa ang Pangulo sa kasalukuyang lagay ng konstruksyon ng proyekto at inihayag ang kagustuhan nitong matapos agad sa 2028.


“Sana matapos natin ito hanggang Valenzuela. Baka matapos natin ito, sa [20]28. Baka pwede nang i-inaugurate [ng] 2028,” ani Marcos.


“Basta tingnan natin. Lahat naman ay nag-a-agree na kailangang bilisan nang mabuti, nang husto [ang pagtapos ng proyekto], dahil ang ating mga commuter, para naman mas maging maginhawa ang kanilang pag-commute,” dagdag nito.


Bilang magiging kauna-unahang subway sa bansa, magiging 40 minutes na lamang mula sa dating dalawa at kalahating oras ang biyahe mula Valenzuela City patungong Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City sa oras na ito ay maging operational na. | via Clarence Concepcion

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *