PBBM, sumuko sa katigasan ng ulo ni dating PNP Chief Nick Torre

Nilinaw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Miyerkules na ang pagbibitiw ni Police Gen. Nicholas Torre bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) ay bunsod ng pagtanggi nitong sumunod sa mga direktiba ng National Police Commission (NAPOLCOM), at hindi dahil sa umano’y pagtatangkang ibalik sa serbisyo ang mga diskwalipikadong opisyal.

Sa isang press briefing sa Cambodia, sinabi ng Pangulo na ang hindi pagkakasundo nina Torre at NAPOLCOM ay nagdulot ng hindi na maaayos na sitwasyon sa loob ng chain of command.

Paliwanag ng Pangulo, na ang paninindigan ni Torre ay salungat sa tungkulin ng PNP na sumunod sa civilian authority na siyang may pinakamataas na kapangyarihan sa chain of command. Sa kabila ng ilang beses na pag-uusap, nanindigan umano si Torre na hindi niya maisasakatuparan ang naturang mga direktiba.

Itinanggi rin ng Pangulo ang mga usap-usapan na ang pagbibitiw ni Torre ay may kinalaman sa umano’y pagbabalik ng mga opisyal ng pulis na nasangkot sa mga kontrobersiya, gaya ni Gen. Rogelio Medina na dati nang nadawit sa mga kaso ng ilegal na droga.

Giit pa ni PBBM, hindi ito usapin ng ‘loss of confidence’ dahil aniya, isang mahusay na pulis si Torre at ang expertise ay nasa police work. Naghahanap na rin ng paraan ang Malacanang para muling magamit ang galing ng dating PNP Chief. | via ABJR, D8TV News | Photo via PCO

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *