Titiyakin ng administrasyon na magkakaroon ng sariling tahanan ang bawat pamilyang Pilipino.
Sa pagbubukas ng National Housing Expo 2025 sa Pasay City, binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang ligtas at maayos na bahay ay pundasyon ng mabuting pagkatao.
Ipinagmalaki rin ng Pangulo ang Green Lane Program, na nagtataguyod ng pagtatayo ng mga climate-resilient na bahay na kayang makibagay sa pabago-bagong klima.
Kasama rin dito ang Expanded Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program, para mas maraming Pilipino ang makinabang sa abot-kayang pabahay.
Pinuri din ni Marcos ang Pag-IBIG Fund bilang isa sa mga matatag na katuwang ng gobyerno sa sektor ng pabahay.
Ayon sa kanya, mahigit 57,000 miyembro ang nakalipat o nakapagpaayos ng bahay ngayong taon, at halos ₱75 bilyon na halaga ng cash loans ang naipautang sa mahigit 3 milyong benepisyaryo. | via Allan Ortega
