PBBM: Sarah Discaya, asahang maaaresto ngayong linggo

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang video statement na asahang ilalabas ngayong linggo ang warrant of arrest ng contractor na si Sarah Discaya.

Mananatili naman ang asawa nitong si Curlee Discaya sa Senate detention makaraang i-cite in contempt ng mga senador bunsod ng umano’y pagsisinungaling sa kasagsagan ng hearing sa flood control scandal.

Matatandaang inatasan ng Punong Ehekutibo ang Department of the Interior and Local Government o DILG at Philippine National Police o PNP na subaybayan ang mga Discaya kasama na ang iba pang nahaharap sa kasong malversation at anti-graft na inihain ng Office of the Ombudsman.

Ang mga kasong ito ay nag-ugat sa P96.5-million flood control project sa Abad Santos, Davao Occidental, na napag-alamang ghost pala dahil bagama’t fully paid na ay wala pang nasisimulan. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *