Sa paggunita ng Araw ng Kagitingan, nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga Pilipino na isabuhay ang kabayanihan sa pamamagitan ng kabutihan, malasakit, at sakripisyo.
Pinasalamatan ni Marcos ang mga sundalong Pilipino at Amerikano na lumaban noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lalo na sa Pagbagsak ng Bataan noong 1942. Ayon sa kanya, ang kanilang kwento ay patuloy na inspirasyon sa pagtataguyod ng bansa.
Pero hindi lang raw lakas ng loob ang sukatan ng kagitingan. Binigyang-diin ni Marcos na maging ang maliit na kabutihang gawa ay may kapangyarihang magdala ng positibong pagbabago sa komunidad.
“Ang Pilipinas ay tahanan ng mga bayani — handang magsakripisyo kahit buhay para sa bayan,” ani Marcos. Hinikayat niya ang taumbayan na ipagpatuloy ang laban ng mga ninuno sa pamamagitan ng tapat na paglilingkod at pagkakaisa para sa Bagong Pilipinas.
Ngayong Miyerkules, pangungunahan ni Marcos ang mga seremonya sa Bataan at Camp Aguinaldo, kabilang na ang pagbibigay ng tulong sa pamilya ng mga nasawing uniformed personnel. | via Allan Ortega | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV