PBBM, pwedeng magpaalis ng Chinese envoy kahit walang resolusyon ng Senado —China Embassy

Iginiit ng Chinese Embassy na hindi na kailangan ng resolusyon ng Senado upang ideklarang persona non grata ang isang Chinese diplomat dahil maaari itong gawin direkta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Chinese Embassy Spokesman Ji Lingpeng, si Jing Quan ang may pananagutan sa lahat ng pahayag at kilos ng embahada at agad itong aalis sakaling makatanggap ng abiso mula sa Pangulo.

Nauna nang ipagpaliban ng Senado ang askyon sa resolusyong humihiling na ideklarang persona non grata ang deputy spokesperson ng Chinese Embassy. | via Jason Saguin, D8TV News Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *