Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga naging reporma sa pamahalaan sa nakaraang tatlong buwan.
Sa Presidential Report nitong Huwebes, November 13, ibinahagi ng Pangulo na nakapagsumite na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng 12 bid manipulation at bid rigging cases sa Philippine Competition Commission (PCC).
Batay sa ulat, 2 kaso rito ay St. Timothy Construction, 3 kaso sa Sunwest Inc.,3 kaso sa Wawao Builders, 2 kaso sa SYMS Construction Trading at 2 kasi sa 1M Construction Corp.
Naipatupad din ang pag-blacklist ng DPWH sa mga kontratista na sangkot sa mga maanomalyang ghost at substandard projects.
Dagdag pa ng Pangulo, pinababa na rin ng DPWH ang presyo ng mga materyales sa mga proyekto ng pamahalaan upang maiwasan ang overpricing.
Ang repormang ito ay upang tiyaking magagampanan ang mga tungkulin at maiwasan ang mga anomalya at iregularidad sa pamahalaan. | via Ghazi Sarip
