Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipino sa United Arab Emirates (UAE) na tinawag niyang pinagmumulan ng dangal at karangalan ng bansa.
Sa kanyang pakikipagkita sa Filipino community sa Abu Dhabi kahapon, sinabi ng Pangulo na mahalagang bahagi ang ginampanan ng mahigit isang milyong overseas Filipino workers (OFWs) sa pag-unlad ng UAE mula pa noong 1971.
Binigyang-diin niya ang hangarin ng administrasyon na mabigyan ng pantay na pagkakataon ang bawat Pilipino nasa loob man o labas ng bansa sa pamamagitan ng paglikha ng mas maraming trabaho at pagpapalawak ng oportunidad sa negosyo sa pamamagitan ng mas matibay na ugnayang pangkalakalan at pamumuhunan sa UAE.
Hinimok din ni Marcos Jr. ang mga Pilipino na pahalagahan ang tuloy-tuloy na pag-aaral at paglinang ng kasanayan upang makasabay sa mabilis na pag-usbong ng bagong teknolohiya at mga trabaho.
Nagpasalamat ang Pangulo sa sakripisyo, sipag, at pagmamahal ng mga OFW sa bayan, at tiniyak na patuloy palalakasin ng pamahalaan ang mga programang magdadala ng kaunlaran. | via Allan Ortega
