Pinarangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga natatanging magsasaka sa Gawad Agraryo 2025 na ginanap sa Makabagong San Juan Government Center. Kasama niya si Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III sa paggawad ng parangal sa 10 Most Outstanding Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs), 3 Most Progressive ARB Organizations (ARBOs), at 4 Most Progressive Agrarian Reform Communities (ARCs).
Tema ng programa ngayong taon ang “Repormang Agraryo: Binhi ng Kaunlaran at Tagumpay” na nagbibigay-diin sa papel ng ARBs, ARBOs, at ARCs bilang haligi ng produksyon, kabuhayan, at kaunlaran sa kanayunan.
Ayon kay Estrella, simbolo ito ng tuloy-tuloy na suporta ng pamahalaan sa repormang agraryo. Dagdag pa niya, ang tagumpay ng mga magsasaka ay patunay na kapag binigyan sila ng lupa at sapat na suporta, sila mismo ang nagiging tagapaghatid ng progreso at pag-unlad sa bansa. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo via MSN
#D8TVNews #D8TV
