PBBM, pinanood rally ng INC

Nanatili si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang kahapon para tutukan ang rally ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Maynila, na nananawagan ng transparency, accountability, at justice kaugnay ng umano’y korapsyon sa mga flood control project.


Kinumpirma ni PCO Secretary Dave Gomez na naka-monitor ang Pangulo mula sa Palasyo, pero wala nang ibinigay na ibang detalye. Pinalakas din ang seguridad sa paligid ng Malacañang simula pa noong Biyernes, at walang public engagement ang Pangulo kahapon.


Samantala, sinupalpal naman ni PCO Undersecretary Claire Castro ang panawagang mag-resign si Marcos, at sinabing matagal na nitong inaayos ang “kalat na iniwan” ng nakaraang administrasyon. Giit niya, mismong Pangulo ang nagpasimula ng masusing imbestigasyon para ipakita na kakampi siya ng publiko laban sa korapsyon.


Ayon pa kay Castro, ang mga nananawagan ng ouster ay yaong tinamaan ng imbestigasyon.

Binigyang-diin din niya na lumalabas na ang ebidensya at huwag umanong hayaang “Team Itim” ang grupong umano’y nagpapalaganap ng kadiliman at nais hadlangan ang pananagutan ang muling magdulot ng kalituhan.


Ang “itim” ay tumutukoy sa tema ng kampanya ni Vice President Sara Duterte noong sinuportahan niya ang kandidatura ni Sen. Imee Marcos sa nagdaang halalan. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *