PBBM sa pagbubukas ng AWTIP Tunnel 5: Bagong hakbang sa mas matatag na water supply ng Metro Manila

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang inagurasyon ng Angat Water Transmission Improvement Project o AWTIP Tunnel No. 5 sa Norzagaray, Bulacan ngayong araw.

Isa itong makasaysayang hakbang para sa seguridad sa tubig ng bansa, partikular ang supply sa dalawampung milyong residente sa Metro Manila at mga karatig-probinsiya nito.

Ang AWTIP Tunnel 5 ay nagmumula sa Ipo Dam hanggang Bigte Basin. Binubuo ang proyekto ng isang 4.30-meter diameter at 6.4 na kilometrong raw water tunnel na kayang magdala ng hanggang 1,642 million liters per day.

Layunin ng tunnel na magbigay ng mas matibay na sistema sa pamamagitan ng pagdagdag ng transmission pathways, pagpapadali ng maintenance sa iba pang tunnels at aqueducts, at pagpapalakas ng reliability sa harap ng lindol at iba pang natural na kalamidad.

Pinapalakas din nito ang lumang Umiray-Angat-Ipo-La Mesa water network na itinayo pa noong 1930s at 1960s.

Pinangunahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) kasama ang Manila Water at Maynilad sa ilalim ng Common Purpose Facility (CPF) ang proyekto. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *