Pinagmamadali ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglalabas ng pondo at iba pang tulong na kinakailangan ng mga apektado ng kalamidad sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Pinulong ni Pangulong Marcos sa Malacañang ang ilang miyembro ng gabinete at mga gobernador ng mga lalawigang apektado ng bagyo.
Binigyang diin ng Pangulo na tiyaking mabilis at simple ang proseso sa paghahatid ng tulong sa mga nangangailangan.
Bukod dito, pinagmamadali rin ng Pangulo ang distribusyon ng binhi para sa mga magsasaka.
Tinalakay din sa pagpupulong ang river clearing operations para maibsan ang matinding pagbaha sa mga mabababang lugar.
Samantala, tumaas sa 12 ang bilang ng nasawi matapos manalasa ang Bagyong Basyang sa Mindanao, ayon sa mga awtoridad.
30 barangay naman ang binaha sa CARAGA Region kung saan 2,000 residente ang apektado.
Ayon sa Office of Civil Defense, mahigit 9,500 ng pamilya ang in-evacuate sa maraming rehiyon, kabilang ang Negros Island at Central Visayas. | via Alegria Galimba
