Pinirmahan na ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang RA 12209 na nag-aamyenda sa “Motorcycle Crime Prevention Act.” Sa ilalim nito, dapat irehistro ang motorsiklo sa LTO sa loob ng 5 araw matapos bilhin.
Kung ibinenta, kailangang i-report ito sa LTO sa loob din ng 5 araw, at ang bagong may-ari ay may 20 araw para mailipat ang pag-aari.
Laking ginhawa! Dating multa na P20K–P50K o kulong, binaba na sa hanggang P5,000 lang! Wala nang huli basta’t may patunay ng rehistro at walang kasalanan ang motorista.
Obligado na ngayon ang mga dealer na i-report ang mga na-repossess na motorsiklo taun-taon sa LTO.
Mas malinaw na rin ang mga plaka, dapat malaki, mabilis mabasa, at may kulay. Kapag walang plaka? P5,000 na lang ang multa hindi tulad dati na umaabot ng P100K at kulong pa!
Kapag nawala ang plaka flat P5,000 na lang ang multa. Pero kapag nangdaya, nagbenta o bumili ng pekeng plaka, kulong ng 6 buwan hanggang 2 taon at multa na hanggang P10K! | via Lorencris Siarez | Photo via MSN
#D8TVNews #D8TV