PBBM nangakong poprotektahan ang karapatan at kapakanan ng mga manggagawa

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga labor leaders nitong Martes na hindi niya pababayaan ang karapatan at kapakanan ng manggagawang Pilipino.

Sa isang dayalogo sa Goldenberg Mansion sa Malacañang, sinabi ni Marcos na mananatiling bukas ang gobyerno sa makabuluhang usapan para sa trabahong may dignidad, sapat na sahod, at magandang kinabukasan para sa bawat pamilya.

Ayon kay Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) president at House Deputy Speaker Raymond Mendoza, inilatag nila sa Pangulo ang pinakamabibigat na isyung kinakaharap ng mga manggagawa—mula sa living wage, karapatan sa unyon, hanggang sa paglikha ng disenteng trabaho.

Pinasalamatan ng TUCP ang Pangulo pero umapela rin ng konkretong aksyon, hindi lang puro salita. Hiniling nila ang agarang pagpasa ng mga batas gaya ng Union Formation Act, Workers’ Right to Strike Act, at iba pa para tiyaking tunay na may saysay ang mga karapatan ng manggagawa.

Giit ng TUCP: Walang “Bagong Pilipinas” kung ang mga manggagawa ay patuloy na nababaon sa kakarampot na sahod at kawalang-kapangyarihan. | via Lorencris Siarez | Photo via PBBM’s official Facebook Page

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *