PBBM, nangako ng tulong at pananagutan kaugnay ng pagguho ng Cebu landfill

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mananagot ang mga responsable sa pagguho sa Binaliw landfill sa Cebu City.

Umabot na sa 20 ang nasawi, habang higit 50 katao ang naapektuhan ng trahedya.

Sa Balamban, Cebu, sinabi ng Pangulo na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang masiguro ang tulong sa mga pamilya ng biktima, kasama ang pagpapalibing at ayuda.

Nagkaroon din ng sandaling katahimikan ang Pangulo at mga dumalo bilang pag-alala sa mga nasawi na nangyari noong January 8.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, ang mga huling bangkay ay narekober mula sa mas malalim na bahagi ng landfill. Labing-anim pa ang nawawala bunsod ng pagguho. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *