Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng Pilipino na magkaisa, magbigay malasakit, at ipagpatuloy ang mga hakbang tungo sa kapayapaan.
Ginawa ng Pangulo ang panawagan kasabay ng kaniyang pakikiisa sa Grand Iftar 2026, kasama ang mga lider ng Muslim community at mga kinatawan mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa nitong Huwebes.
Binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pagtutulungan at respeto sa isa’t isa, lalo na sa banal na buwan ng Ramadan, sa gitna ng pandaigdigang tensyon at patuloy na pagsisikap para sa kapayapaan sa Mindanao.
Aniya, ang Ramadan ay panahon ng pagtitipon ng pamilya, at komunidad at ang sandaling ito ay paalala na ang kapayapaan kahit saan, ay mahalaga para sa lahat.
Samantala, idineklara na ng Malacañang ang March 20, Biyernes, bilang regular holiday sa buong bansa, sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr. | via Joana Luna, D8TV News
