Sa gitna ng patuloy na banta ng climate change, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang turnover ng 229 bagong sasakyan at heavy equipment sa mga irrigators’ associations mula Luzon hanggang Mindanao.
Kabilang sa mga ipinamigay ay dump trucks, backhoes, excavators, at 17 mini buses bilang bahagi ng 3rd batch ng National Irrigation Administration (NIA) Re-fleeting Program. Layunin nito na mas mapabuti ang patubig sa mga bukirin at matulungan ang mga magsasakang hirap sa pabago-bagong panahon dahil sa El Niño at iba pang sakuna.
Ayon sa Pangulo, napakahalaga ng mga ganitong tulong lalo na’t ramdam ng mga magsasaka ang epekto ng matinding init, ulan, at hindi matukoy na klima. Dagdag niya, dapat ay makinig ang mga taga-NIA sa hinaing ng mga magsasaka at sila na mismo ang mag-ikot para tumulong.
Ang mga mini bus naman ay magagamit ng mga tauhan ng NIA sa pag-iikot at pag-inspeksyon, para mas ligtas at tipid sa gastos.
Pahayag ni Marcos, “Kayo ang haligi ng bansa. Hindi kami titigil hangga’t hindi gumiginhawa ang buhay ng mga magsasaka!” | via Lorencris Siarez | Photo screengrab from RTVM/FB
#D8TVNews #D8TV