PBBM, nakipagpulong sa Mitsubishi para sa railway at renewable energy projects

Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes, February 2, sa mga opisyal ng Mitsubishi Corporation upang talakayin ang pinalawak na pamumuhunan at pakikipag-partner ng kompanya sa mga subway at railway projects ng administrasyon.

Ayon sa Pangulo, makatutulong ang mas malalim na kooperasyon sa Mitsubishi upang makabuo ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino at masuportahan ang pagtulak ng pamahalaan sa renewable energy, partikular sa mga wind power project sa mga lalawigan.

Sinabi ni Pangulong Marcos na nakipagpulong siya kay Mitsubishi Corporation President at CEO Katsuya Nakanishi upang isulong ang mga investment na magpapabilis sa pagtatayo ng mas maaasahan at episyenteng subway at railway systems sa bansa.

Dagdag pa ng Pangulo, bahagi rin ng mga talakayan ang pagpapalakas ng digital services na magpapadali sa pang-araw-araw na transaksyon ng mga Pilipino.

Ang mga inisyatibang ito, ay kaakibat ng layunin ng pamahalaan na isulong ang kaunlaran sa ilalim ng programang Bagong Pilipinas. | via Judea Bernardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *