PBBM, nakauwi na ng Pilipinas mula sa 2-day working visit sa UAE

Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang mga nagawa sa kanyang dalawang araw na pagbisita sa Abu Dhabi sa UAE.

Ayon sa Pangulo, natalakay sa kanyang pagbisita ang mahahalagang sektor gaya ng enerhiya, tubig, finance, pagkain at environment.

Nakiisa rin si Pangulong Marcos sa Abu Dhabi Sustainability Week na layong pagtibayin ang pandaigdigang kooperasyon sa pagtaguyod ng financial reforms.

Pumirma rin ng kasunduan ang Pilipinas at UAE tungkol sa isang Comprehensive Economic Partnership Agreement at isang Memorandum of Understanding sa defense cooperation.

Layon nitong mapalawak ang access ng ating mercado sa Middle East at mapalakas ang kasunduan sa ugnayang pangdepensa at militar.

Bukod dito, nakipagpulong din si Pangulong Marcos sa matataas na opisyal ng tech company na DAMAC Digital.

Kabilang sa kanilang napag-usapan ang pagtatayo ng isang data center sa Laguna.

Lumapag ang sinasakyang eroplano ng Pangulo sa Villamor Airbase sa Pasay City kanina, bandang alas-11:30 ng umaga. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *