PBBM naka-focus ang atensyon sa mga agarang solusyon sa mga pangkaraniwang problema ng mamamayan

Sa unang episode ng kanyang “BBM Podcast,” aminado si Pangulong Bongbong Marcos na dismayado na ang publiko sa mabagal na serbisyo ng gobyerno at sobra nang pamumulitika.

“Dalawa ang malinaw na mensahe mula sa eleksyon,” ani Marcos. “Una, sawa na ang mga Pilipino sa pulitika. Pangalawa, mabagal at hindi ramdam ang serbisyo ng gobyerno.”

Inamin ni BBM na tutok ang administrasyon sa malalaking proyektong pangmatagalan gaya ng sa transportasyon, turismo, at kalusugan — pero napabayaan ang mga simpleng problema sa araw-araw gaya ng trapik at pila sa mga pampublikong sasakyan.

“Mamadaliin na namin ang mga solusyong kayang gawin agad,” pangako ni Marcos.
Dagdag niya, “Kailangan bigyang pansin ang mga maliit na bagay na nagpapagaan ng buhay araw-araw.” | via Allan Ortega | Photo via Bongbong Marcos’ Facebook

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *