Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ahensya ng gobyerno na makipag-partner sa pribadong sektor para pabilisin ang pagtatayo ng mga bagong silid-aralan sa Ilocos Region, ayon sa Presidential Communications Office (PCO) nitong Sabado.
Sa pulong ng Regional Development Council sa Dagupan, Pangasinan, sinabi ni Marcos na kailangang gamitin muli ang public-private partnerships (PPP) para sa mas mabilis at mas murang pagtatayo ng imprastruktura gaya ng mga paaralan.
Ayon sa DepEd, plano nitong magpatayo ng halos 3,000 classrooms sa Ilocos mula 2025 hanggang 2030. Pero giit ni Marcos, “Huwag na nating hintayin ang 2030!” Dapat daw pabilisin ito lalo’t mas mataas pa ang literacy rate sa Ilocos kumpara sa national average.
Kasama rin sa 2026 budget proposal ng DepEd ang pagdagdag ng mga school principal, admin officers, at guidance counselors, pati na rin ang pagpuno sa mga bakanteng teaching positions.
Gusto ni PBBM ng mas mabilis na aksyon para sa edukasyon sa Ilocos — mas maraming silid-aralan, mas maraming guro, at mas mabilis na serbisyo! | via Allan Ortega | Photo via DPWH Ilocos Region
#D8TVNews #D8TV