Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsira sa mga nasabat na ‘floating shabu’ kamakailan para hindi na mapakinabangan.
Ngayong umaga ay pinangunahan ni Pangulong Marcos ang pag-iinspeksyon sa mga nasabat na ilegal na droga sa PDEA headquarters sa Quezon City.
Isasailalim sa thermal decomposition ang tinatayang aabot sa 1,304.604 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱8.8 billion.
Ayon kay Pangulong Marcos, isa ito sa pinakamalaking drug haul sa nakaraang anim na buwan.
Ang mga narekober na ilegal na droga ay natagpuan ng mga mangingisda na nagpapalutang-lutang sa mga karagatan ng Zambales, Pangasinan, Ilocos Norte, Ilocos Sur at Cagayan at agad naman itong isinuko sa mga awtoridad.
Ikinatuwa naman ng Pangulo ang kooperasyon ng mga mangingisda dahil maraming buhay ang nailigtas.
Inatasan din ni Marcos na mahigpit na bantayan ang seguridad sa mga karagatan ng bansa para maiwasan ang drug smuggling attempts sa hinaharap.
#D8TVNews #D8TV