Sa ospital nagpalipas ng gabi si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Miyerkules, January 21.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, isinailalim ang Pangulo sa isang medical observation matapos sumama ang kanyang pakiramdam.
Inabisuhan naman umano ng mga doktor si Pangulong Marcos na magpahinga muna at i-monitor ang kanyang kalagayan.
Nananatili naming stable ang kondisyon ng Pangulo.
Dagdag pa ni Castro, nakabalik na ang Pangulo sa trabaho at magpapatuloy pa rin sa kanyang responsibilidad habang nasa ilalim ng medical observation. | via Alegria Galimba
