Nagtungo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa San Fernando, Pampanga, para maghatid ng tulong sa mga magsasaka.
Pinangunahan ng Pangulo ang pamamahagi ng lupa sa ilalim ng DENR’s Handog Titulo Program, 520 benepisyaryo ang nakatanggap ng sariling titulo. Kasabay nito, tumanggap din ng tig-₱10,000 ang halos 3,000 farm workers.
Ayon kay Marcos, hakbang ito upang mapatatag ang kabuhayan ng mga magsasaka at matiyak ang produksyon ng pagkain.
Sa programang ito, hindi lamang lupa Kundi mas matatag na kinabukasan ang ipinagkakaloob sa mga magsasaka ng Pampanga.
