PBBM, may ilang paalala para sa masayang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon

May ilang paalala si Pangulong Bongbong Marcos sa mga Pilipinong magdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Sa inilabas na BBM Vlog, sinabi ng Pangulo na ating sulitin at enjoyin ang mga pagkaing ihahanda.

Pero paalala niya, maghinay-hinay sa mga matatabang pagkain dahil mas tumataas ang kaso ng mga inaatake sa puso tuwing holiday season.

Pinag-iingat din ni Pangulong Marcos ang mga magmamaneho at umiwas sa paggamit ng mga paputok.

Aniya, gumamit na lamang ng mga alternatibong pampaingay tulad ng torotot o iba pang maiingay na mga laruan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *