May iaalok na bagong posisyon sa gobyerno para kay dating PNP Chief Gen. Nicolas Torre III, ayon sa Palasyo.
Ito ang kinumpirma ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro matapos sibakin sa pwesto si Torre dahil sa umano’y mga isyu na hindi napagkasunduan.
Si Torre ay nagsilbing hepe ng PNP ng halos tatlong buwan kapalit ni former Chief Rommel Marbil.
Bago maging PNP chief ay pinangunahan ni Torre ang pag-aresto sa mga malalaking personalidad na sina Pastor Apollo Quiboloy at dating Pangulong Rodrigo Duterte. | via Alegria Galimba