PBBM, Maximum Tolerance sa Rally ang utos

Mainit na tension ang naganap sa Maynila kaugnay ng protesta kontra korapsyon partikular malapit sa Malacañang kahapon.

Sa gitna ng kaguluhan, inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kapulisan na panatilihin ang “maximum tolerance”, ibig sabihin walang dapat masaktan.

Pinatunayan mismo ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang utos na ito ng pangulo habang nasa Mendiola kung saan mainit ang tension sa pagitan ng mga pulis at raliyista na ilan ang naaresto.

Sa Ayala Bridge naman, nagsimula ang tensyon nang maghagis ng bato, bote, at magsunog ng motorsiklo ng pulis ang mga nakamaskarang grupo. Nagtaas ng riot shield ang mga awtoridad upang pigilan ang kaguluhan.

May ilang pulis umano na binuhusan ng malansang likido at may pagsabog din na narinig sa lugar. Agad namang rumesponde ang mga bumbero.

Ayon sa DILG, poprotektahan ang karapatan ng mga mamamayan na magpahayag ng hinaing ngunit hindi kukunsintihin ang karahasan.| via Ghazi Sarip, D8TV News

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *