Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na gugugulin niya ang Semana Santa sa kanyang home province na Ilocos Norte.
Ayon sa Pangulo, aalis siya patungong Ilocos Norte matapos ang kanyang mga opisyal na gawain at babalik sa Maynila bago matapos ang linggo.
Sa kanyang mensahe para sa Semana Santa, hinikayat ng Pangulo ang mga Pilipino na pairalin ang malasakit, pagkakaisa, at paglilingkod sa kapwa.
Hinimok din niya ang publiko na magtulungan lalo na sa gitna ng mga krisis na kinahaharap ng mundo, kabilang ang tensyon sa Middle East.
Nilinaw naman ni Palace Press Officer Usec. Atty. Claire Castro na hindi bakasyon ang pakay ng pangulo sa pag-uwi.
“Hindi po uso ang salitang pagbabakasyon, so sabi nga po niya, sya po ay magse-spend ng kanyang Holy week sa Ilocos Norte, kasama ang kanyang pamilya, walang pagbabakasyon dahil patulyo po ang ating Pangulo sa pagmomonitor at pagbibigay ng utos sa mga kailangang gawin ng ating mga ahensya sa gobyerno” ani Castro. | via Joana Luna, D8TV News
