PBBM, kumpiyansa sa UN Security Council bid ng Pilipinas

Naniniwala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na may magandang tsansa ang Pilipinas na makakuha ng puwesto sa United Nations Security Council.

Ayon sa Pangulo, may kalamangan ang bansa dahil sa matagal na nitong pakikipagtulungan sa United Nations, kabilang ang pakikilahok sa mga peacekeeping mission at pagsuporta sa iba’t ibang global issues.

Dagdag pa niya, patuloy ring isinusulong ng Pilipinas ang mga isyu tulad ng karapatan ng kababaihan, climate change, at kapayapaan sa international community.

Nakatakda ang botohan para sa non-permanent seat sa UN Security Council sa Hunyo 2026 para sa termino na 2027 hanggang 2028. | via Imee Gatchalian, D8TV Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *