Walang atrasan! Inutos ni Pangulong Bongbong Marcos na ipagpatuloy ni Secretary Jay Ruiz ang kanyang trabaho bilang hepe ng Presidential Communications Office (PCO), ayon kay Undersecretary Claire Castro.
Bagamat naurong ang pagtalakay ng Commission on Appointments (CA) sa kanyang kumpirmasyon noong Hunyo 3 dahil sa kakulangan ng oras, walang epekto ito sa kampanya kontra fake news ng PCO.
“Direktiba ng Pangulo: labanan ang fake news kahit sino pa ang nakaupo,” giit ni Castro.
Hindi rin nagpatumpik-tumpik ang ilang media groups — PAPI, JUROR, at Soccsksargen Press Club — sa pagsuporta kay Ruiz. Anila, may integridad at karanasan sa media si Ruiz para pamunuan ang komunikasyon ng gobyerno sa gitna ng matinding demand sa katotohanan. | via Allan Ortega | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV