PBBM, ipinagdiwang ang mga Bagong Bayani ng OFW sa 2025

Ipinagdiriwang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga makabagong bayani ng bansa na nagpakita ng kabayanihan, integridad, malasakit, at kahusayan sa kani-kanilang larangan sa 2025 Bagong Bayani Awards sa Ceremonial Hall, Malacañang Palace noong Nobyembre 20, 2025.


Ang Bagong Bayani Awards ang pinakamataas na pagkilala ng bansa sa mga OFW, bilang pagdiriwang sa kanilang lakas, galing, at puso.

Paalala ito na ang tunay na kabayanihan ay makikita sa araw-araw na paglilingkod at sakripisyo sa lupa man o sa dagat, sa tahanan o ospital, sa Pilipinas man o sa ibang bansa.


May iba’t ibang kategorya tulad ng Outstanding Employee Award, Community and Social Service Award, Culture and the Arts Award, Capt. Gregorio S. Oca Achievement Award, at Blas F. Ople Award Para sa Natatanging Bagong Bayani. Ngayong taon, idinagdag ang Heroic Act Award, Successful Reintegration Award, at Susan ‘Toots’ V. Ople Award.


Pinangungunahan ng Bagong Bayani Foundation, Inc. (BBFI), kasama ang Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), nakilala na ang higit 1,700 natatanging OFW mula 1989.

Ang kanilang mga kwento ng sakripisyo, tapang, malasakit, at paglilingkod ay nagbibigay inspirasyon sa isang bansang nakabatay sa pagkakaisa, dignidad, at pag-asa. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *