Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtataas ng base pay sa mga military at uniformed personnel (MUP).
Ayon sa Pangulo, ito ay bilang pagkilala sa dedikasyon at paglilingkod sa iba’t ibang sakunang naranasan ng bansa kamakailan kung saan nalalagay sa peligro ang kanilang buhay para lamang mailigtas ang kanilang kapwa.
Kabilang sa mga tataasan ng base pay ang mga MUP mula sa Department of National Defense (DND), Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Corrections (BuCor), at National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA).
Hahatiin sa tatlong tranche ang pagpapatupad ng pagtaas sa base pay; ipatutupad ang unang tranche sa January 1, 2026 na susundan ng January 1, 2027 at January 1, 2028.
Bukod dito, itataas din sa P350 ang kanilang subsistence allowance simula sa January 1, 2026.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na nanatiling matatag ang suporta ng mga MUP sa bansa sa kabila ng mga banta sa kanilang kaligtasan. | via Alegria Galimba
