PBBM, iniutos ang mabilis na ayuda at rehabilitasyon sa mga lugar na nasalanta ng Bagyong Uwan

Nagpulong ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para magbigay-ulat kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa pinsala at kasalukuyang sitwasyon matapos ang pananalasa ng Bagyong Uwan.


Tampok sa talakayan ang nagpapatuloy na response operations kabilang ang relief goods, medical assistance, at clearing operations sa mga lugar na lubhang naapektuhan.

Binigyang-diin ng Pangulo na dapat mabilis, sapat, at walang patid ang tulong na naipaaabot sa mga residenteng nangangailangan.


Inihayag din ng Pangulo na malaking naging ambag ng maagap na preemptive evacuation sa pagligtas ng libo-libong pamilya.

Dahil dito, maraming buhay ang naisalba at mas kaunting residente ang nalagay sa panganib.


Kasabay nito, naghahanda na ang pamahalaan sa rehabilitasyon upang agad na makabangon ang mga komunidad mula sa pagkukumpuni ng kalsada at pasilidad hanggang sa pagbabalik ng kabuhayan.


Patuloy ang pagtutulungan ng mga ahensya para sa mas mabilis na pagbangon ng mga naapektuhan ng Uwan. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *