PBBM inilunsad ang ‘Pamilya Pass’ 1+3 pamasahe promo sa MRT at LRT

Opisyal nang inilunsad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang “Pamilya Pass 1+3 Promo”, kung saan tatlong kaanak o kaibigan ng bawat pasaherong nagbabayad ay makakasakay nang libre tuwing Linggo sa MRT-3, LRT-1, at LRT-2, na nagsimula kahapon June 1.

Kasama ang Unang Ginang Liza Araneta-Marcos at ang kanilang tatlong anak, sumakay si PBBM ng tren mula GMA-Kamuning Station para ipakita ang suporta sa programa. Ayon sa Pangulo, layunin ng promo na palakasin ang pagsasama ng pamilya tuwing Linggo, isang mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino.
“Linggo ay para sa pamilya – bonding time!” pahayag ni Marcos.

Dagdag niya, ang libreng sakay ay tulong para sa mga pamilyang pagod sa araw-araw na biyahe at trabaho, upang maranasan ang totoong diwa ng Linggo. | via Allan Ortega | Photo via PNA/Avito C. Dalan

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *