Nagpanukala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng mas mahigpit na seguridad sa Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) laban sa mga major drug entry points, at nagbigay ng direktiba na agarang sirain ang mga makukumpiskang droga upang maiwasang makarating ito sa mga komunidad.
Ito ay dulot ng mataas na volume ng smuggling operations na nagaganap sa mga pantalan, baybayin, at iba pang maritime routes.
Nagbigay-diin din si Marcos sa responsibilidad at pisikal na presensya ng mga awtoridad sa tuwing sisirain ang mga nakumpiskang droga upang magbigay ng transparency ang operasyon.
“Make sure na nandun kayo para pag sinabing so many tons, ilang tonelada, ‘yan talaga ang nandiyan. Hindi nababawasan. Bilangin ninyo nang husto, tapos buhusan n’yo ng gasolina, at sunugin niyo na,” pahayag ni Marcos.
Binigyang halimbawa ni Marcos ang naglalakihang nakumpiskang droga sa mga probinsiya ng Zambales, Bataan, Ilocos Sur, at Pangasinan noong June 10, kung saan halos sa mga baybayin naganap ang mga operasyon na nakalagap ng 66 sako ng shabu na tumitimbang ng 1,297.9 kilo at tinatayang nagkakahalaga ng PHP8.8 bilyon.
Ipinunto rin ni Marcos na habang sinusugpo ang mga naglalakihang drug syndicates, dapat ding mapigilan ang paglaganap ng paggamit ng droga sa mga maliliit na komunidad.
Para pa kay Marcos, hindi sapat ang dumaraming bilang ng mga drug operations at ang mga statistics nito, bagkus dapat maramdaman at makita ng mga tao ang tunay na pagbabago kontra droga.
“It’s not sufficient that you are safe, you must feel safe,” Ani nito. | via Clarence Concepcion | Photo Screengrab from RTVM’s Facebook Page
#D8TVNews #D8TV