Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang P5,000 incentive para sa government workers, ayon sa Malacañang ngayong Biyernes, December 19.
Kasunod ito ng paglabas ng Department of Budget and Management (DBM) ng circular patungkol sa bagong bonus ng public employees.
Ayon sa DBM circular na inilabas noong December 17, layon ng incentive na gantimpalaan ang mga kawani ng gobyerno na nag-exceed sa agency at financial performance targets at hikayatin ang mas mataas na productivity.
Sinabi ng Malacañang na ang patuloy na pagbibigay ng Productivity Enhancement Incentive (PEI) ay pagkilala sa mahusay na paglilingkod, propesyonalismo, at mahalagang papel ng mga kawani ng gobyerno, at patunay na suporta nga administrasyon sa pagpapataas ng productivity at morale ng mga empleyado.
Dagdag pa ng palasyo, naniniwala ang Pangulo na nararapat lang pahalagahan ang mga government workers na walang-sawang naglilingkod at katuwang sa paghahatid ng serbisyo sa taumbayan.
Makatatanggap ng P5K grant ang government officials ng national government agencies, local government units, state universities and colleges, government-owned or controlled corporations, at mga uniformed personnel. | via Andrea Matias
