PBBM, ikinalungkot ang pagkakaaresto kay Revilla pero legal na proseso dapat manaig

Ikinalungkot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagkakaaresto kay dating Sen. Bong Revilla sa kasong malversation pero dapat umanong manaig ang legal na proseso

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, tinanong niya ang Pangulo kung ano ang nararamdaman nito noong sila ay nasa pagpupulong.

Malungkot umano si Pangulong Marcos dahil isa itong malapit na kaibigan at nakasama rin umano niya ito sa Alyansa.

Gayunman, nilinaw ni Castro na kailangan pa ring sundin ang legal na proseso.

Matatandaang boluntaryong sumuko ang dating senador sa mga otoridad noong January 19 matapos ilabas ng Sandiganbayan 3rd Division ang arrest warrant laban sa kanya.

Dawit si Revilla sa umano’y ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.

Sa ngayon, nakapiit na ang dating senador sa Quezon City Jail Male Dormitory sa Barangay Payatas. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *