Pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Proclamation 839, na nagdedeklara sa Abril 1, 2025 bilang regular holiday sa buong bansa para sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr.
Ayon sa National Commission on Muslim Filipinos (NCMF), ang deklarasyon ay upang bigyang-pugay ang kahalagahang panrelihiyon at pangkultura ng Eid’l Fitr, na hudyat ng pagtatapos ng Ramadan.
Sinabi rin ni Marcos na mahalaga ang holiday upang ipakita ang pagkakaisa ng mga Pilipino, anuman ang relihiyon.
Ang Eid’l Fitr ay isa sa dalawang pinakamahalagang selebrasyon ng Islam, kasama ang Eid al-Adha.
Sa ilalim ng Republic Act 9177, kinikilala ang Eid’l Fitr bilang regular holiday gamit ang Islamic lunar calendar.
Walang pasok sa Abril 1—Isang masayang pagdiriwang para sa ating mga kapatid na Muslim! | via Allan Ortega | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV