PBBM, hiniling umano kay Romualdez na bumaba sa puwesto

Nagkakagulo sa Kamara matapos umalingasngas na pinilit umanong magbitiw si Speaker Martin Romualdez sa utos mismo ni Pangulong Marcos. Martes, Set. 16, sinuspinde ang sesyon matapos lang ng halos isang oras dahil dumiretso si Romualdez kasama si Rep. Sandro Marcos sa Palasyo.

Usap-usapan na ang pagbagsak ni Romualdez ay dahil sa pagkakadawit sa flood control scandal at isyu ng budget insertions. Mas lalo pang lumakas ang spekulasyon nang makitang inilalabas ang gamit mula sa kanyang opisina kagabi. May ulat na gusto lang sanang mag-leave si Romualdez, pero pinapirma raw siya ng resignation ni PBBM na pinsan niya.

Kung sakali, si Deputy Speaker Faustino Dy III ang papalit bilang officer-in-charge, ayon sa ilang sources pero wala pang kumpirmasyon mula sa liderato. Ayon kay Rep. Toby Tiangco, hindi sapat ang “leave” dahil hindi ito tatanggapin ng publiko na galit na galit sa katiwalian.

Samantala, bukod kay Dy, lumulutang din sina Rep. Albee Benitez at Rep. Duke Frasco bilang posibleng kapalit ni Romualdez. | via Allan Ortega, D8TV News

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *