PBBM hindi papalampasin ang mga insidente ng Road Rage

Mariing kinondena ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang patuloy na paglaganap ng mga insidente ng road rage sa bansa, kung saan iginiit niyang hindi dapat pagbigyan ang tinatawag niyang “gangster attitude” ng ilang motorista sa lansangan.


Kasunod ng mga viral video ng mga marahas na sagupaan sa gitna ng trapiko kabilang na ang paninindak, pananakit, at paggamit ng armas muling iginiit ng Pangulo ang kahalagahan ng disiplina sa kalsada bilang repleksyon ng pagkatao ng isang mamamayan.


“Hindi natin dapat payagan ang ganitong uri ng pag-uugali. Ito ay hindi lamang banta sa kaligtasan ng publiko, kundi nagpapakita rin ng kakulangan sa disiplina at respeto sa kapwa,” ayon sa pahayag ng Pangulo.


Binigyang-diin din ng Pangulo na dapat kumilos agad ang Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensya para mapigilan ang ganitong karahasan. Hinikayat niya ang publiko na maging mapagmatyag at agad na i-report sa mga awtoridad ang anumang uri ng road rage.
“Panahon na upang itigil ang kultura ng karahasan sa kalsada at palitan ito ng respeto at pag-unawa,” dagdag pa niya.


Ang paalala ni Marcos ay dumating sa gitna ng mga insidenteng nag-udyok ng matinding public outrage, lalo’t karamihan dito ay nasasangkot ang mga may impluwensya o may access sa armas. Patuloy ang panawagan ng administrasyon para sa mahigpit na pagpapatupad ng batas trapiko at pagpapalakas ng kampanya para sa road safety, kasabay ng pagsiguro na mananagot ang sinumang lalabag, anuman ang katayuan sa lipunan. | via Dee Zand’te | Photo via Bongbong Marcos YT Channel / screengrab

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *