Handa raw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na buksan sa publiko ang kaniyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth o SALN kung ito ay hihilingin ng mga ahensya ng gobyerno.
Kasunod ito ng imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure o ICI, at ng Office of the Ombudsman, hinggil sa umano’y iregularidad sa mga flood control project ng bansa.
Ayon sa Pangulo, ikinagulat niya na naging mahirap kuhain ang SALN ng ilang opisyal sa nakaraang administrasyon. Kaya’t nais niyang ibalik ang dating patakaran upang mas maging madali ang access dito.
Kaugnay nito, tinanggal ni bagong Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang mga limitasyon sa paghingi ng SALN, layunin nito umano na palakasin ang transparency at accountability sa mga opisyal ng gobyerno.
Dagdag pa ng pangulo, mainam na bukas ang SALN sa mga opisyal upang mapanatili ang tiwala ng taumbayan. | via Ghazi Sarip
