Handang magbigay ng proteksyon ang pamahalaan sa mag-asawang kontratista na sina Curlee at Sarah Discaya sakaling sila ay kwalipikado sa ilalim ng witness protection program.
Sa isang press briefing sa Phnom Penh, Cambodia, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tungkulin ng gobyerno na tiyakin ang kaligtasan ng mamamayan, kahit hindi sila direktang sangkot sa anumang pormal na paglilitis.
Matatandaan na sa pagdinig ng Senado noong Lunes ay ibinunyag ng mag-asawang Discaya ang ilang mambabatas at opisyal ng pamahalaan na nakikinabang sa umano’y kickback mula sa mga proyekto ng DPWH.
inihayag din ng mag-asawa ang kanilang pagpayag na maging state witness sa isinasagawang imbestigasyon. | via Alegria Galimba, D8TV News | Photo via RTVM
#D8TVNews #D8TV
