Mangiyak-ngiyak si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang mapag-usapan ang paghihirap ng mga ordinaryong Pilipino sa kabila ng kabi-kabilaang mga katiwalian at palpak na flood control projects.
Sa teaser ng BBM Podcast Episode 4, sinabi ng Pangulo na hindi dapat naparurusahan ang mga ordinaryong mamamayan ng mga sistematikong katiwalian gayong sila pa nga ang nagsusumikap sa pagtatrabaho para sa kanilang pamilya.
Samantala, ibinahagi naman ni Pangulong Marcos na nakatakda nang ilabas sa mga susunod na araw ang ang listahan ng mga miyembro ng isang independent commission na mangunguna sa imbestigasyon kaugnay sa mga palpak na flood control projects.
Ayon sa Pangulo, iba pa ito sa pamahalaan na bubuuin ng isang abogado, isang imbestigador, at isang forensic accountant.
Binigyang-diin niya na walang sasantuhin ang imbestigasyon, kahit pa kaanak o kaalyado niya sa politika ang masangkot. | via Alegria Galimba, D8TV News
#D8TVNews #D8TV
