PBBM, dumating sa Abu Dhabi para sa working visit

Dumating si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Abu Dhabi, United Arab Emirates kagabi, January 12, upang simulan ang kanyang working visit sa Middle Eastern country.

Sa paanyaya ni UAE President Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan, lalahok ang Pangulo sa Abu Dhabi Sustainability Week o ADSW 2026, na may temang “The Nexus of Next: All Systems Go.”

Layunin ng ADSW na pag-isahin ang world leaders upang magtulungan sa larangan ng enerhiya, pananalapi, teknolohiya at lipunan, at gawing konkretong solusyon ang mga ideya para sa hinaharap.

Personal na sinalubong si Pangulong Marcos ni UAE Minister of State for Foreign Affairs Saeed Bin Mubarak Al Hajeri.

Mula naman sa panig ng Pilipinas, pinangunahan nina DFA Secretary Ma. Theresa Lazaro at Ambassador Alfonso Ferdinand Ver ang pagsalubong sa Pangulo.

Ito ang ikalawang working visit ni Pangulong Marcos sa UAE. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *