Dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa 28th ASEAN Plus Three (APT) Summit na ginanap sa Kuala Lumpur Convention Center, Malaysia noong Oktubre 27, 2025.
Kasama rin sa pulong ang mga lider mula sa China, Japan, at South Korea upang repasuhin ang mga nagawang hakbang sa ilalim ng APT cooperation framework at talakayin ang mga susunod na direksyon nito.
Tampok sa mga paksa ang digital economy, kooperasyong pandagat, enerhiya, konektividad, kalusugan, at edukasyon. Nagpalitan din ng pananaw ang mga lider hinggil sa mga isyung panrehiyon at pandaigdigang may kinalaman sa lahat.
Dumalo rin ang mga kinatawan mula sa ASEAN+3 Macroeconomic Research Office (AMRO) at East Asia Business Council (EABC) upang pag-usapan ang lagay ng ekonomiya, pananalapi, at paglago ng rehiyon. | via Allan Ortega
PBBM dumalo sa 28th ASEAN Plus Three (APT) Summit
